3.25.2009

Reliving the Glorious Days

Free writing.. :)

College.. Freshman days..

naglalakad ako papuntang hallway, kinausap ako ni ate monette of bayan youth. she wanted me to run for the CSC under their banner. ako naman dahil binalak ko talagang tumakbo ng student council, excited. mega kwento ako sa high school friends ko at pumirma ako ng COC with them. Then i talked to russel. he's running for student council din under KAYABE. I was shocked. that was the first time i ever heard of the party. KAYABE.. hmmm.. Rus'l invited me to talk to "matwang ramil". I even thought he's really old that time. we went to the USC office and ramil told me so much about the party.. KAYABE. Kanlungan at Yaman ng Bawat Estudyante. I agreed to pull out my COC with bayan youth and run for their party. Then, i met a family...

First meeting, Museo ning angeles...

I was introduced to people running for KAYABE that time. I was also intoduced to people working behind the party that time. Nakakatuwa silang tignan noon.. sobrang close, sobrang palagay ang loob ng bawat isa. eto yung mga taong "may sinabi" sa school, di sila basta basta. But when you get to talk to them, parang matagal na kayong friends. hindi ka maiilang. hindi ka magdadalawang isip na kausapin sila. It really felt good that time. I was welcomed with both hands.

Initiation Rites....

Porac, Babo robot. July yun, sobrang init. Whole day kaming binilad sa araw. First time kong maramdaman na pinapahirapan ako.

Isang Bote ng mineral water for the whole team (8 members) for the whole day.

maglakad ng nakayapak ng 12noon sa lupa ng porac na puro buhangin.

humiga sa buhanginan, magkalkal ng burak para maghanap ng piso na itinago daw nila (test of patience daw)

umiyak ng umiyak dahil sa pagkkwento ng buhay mo sa mga taong halos di mo kilala.

Dun ko unang naranasan ang sobrang uhaw. Dun ko rin naranasan na i-give up and tubig na para sayo dahil mas kailangan ito ng groupmate mo. Dun ko naranasan na ipamigay ang pagkain na isusubo mo na sa bibig mo.

Dun ko naranasan na bigyang halaga ang feelings ng mga tao sa paligid ko. DUn ko natutunan kung gano kahalaga ang pakiramdaman ang pangangailangan ng mga tao sa paligid mo.

Dun ko natutunan kung paano magmahal ang isang pinuno. Dun ko natutunan na mahalin ang KAYABE kahit anong mangyari.


CSC-CAS 2004-2005 | USC 2005-2006...

We were elected. challenge na matatawag ang pagpasok ko sa council ng mga panahong iyon. Una, nagmmaintain ako ng scholarship. Bawal bumaba ng 2 ang grades ko. dapat 1.75 ang average ko. Pangalawa, kailangan ko patunayan sa scholarships and grants na kaya ko pagsabayin ang pagiging student council at ang pagpasok sa dean's list at ang paghawak sa mga org na sinalihan ko. Mahirap. Nakakapagod. Pero kinaya ko. Kailangan kong kayanin. 3 oras na tulog araw araw ok na ako. Magsasabay pa ang college days at term papers na kailagan kong ipass. May presentation kami kasabay ng meeting with the student affairs dean. May play kaming pnprepare kasabay ng pagaayos sa University days. Pero di kami pinabayaan ng KAYABE. Lagi silang nandyan para tumulong. hindi kami iniwan sa ere. Salamat


Hanggang ngayon ay kadugtong ng buhay ko ang kayabe. Yung mga close friends ko, nameet ko sa KAYABE. Ang ate ko sa bahay, KAYABE ko din nakilala. Nakapasok ako sa trabaho ng dahil sa mga natutunan ko sa KAYABE.

malaki ang utang ko sa KAYABE. dahil sa kanina, natutunan kong harapin ang buhay, natutunan kong magpahalaga sa kapwa at natutunan kong mahalin ang mga taOng nasa tabi ko ano man ang mangyari.


KAYABE, mabuhay ka!

0 comments: