6.05.2009

Wow! June Na!

June na... Halfway na ng 2009. Wow! ambilis ng panahon.

June na, tag ulan na.. tagbaha na rin sa aming lugar sa makati. ayos! kahapon lang ay lumusong ako sa baha. Yes! Sa sobrang arte kong ito e lumusong ako sa baha na umabot sa gutter ng aming street. woohooo! gusto ko na naman umiyak. Umuwi kasi ako nun dahil nag- e-LBM ako.. masakit na masakit na ang tiyan ko. tsk! swerte db?!

June na, pasukan na. syempre pag pasukan na, gastusan na naman. Tatlo ang kapatid kong nag-aaral. 2 elementary at 1 high school. Sa entrance fees palang patay na ang budget ko, idagdag mo pa ang gamit nila, sapatos at kung ano-ano. tsk! June = taghirap. LOL

June na, mid-year bonus na! Kung applicable lang sana samin ito e masaya! kaso hindi naman kami kasali sa mga mapalad na meron bonus. asa pa kami db! haha

June na! officially, 3 years nako sa pinapasukang kompanya. Andami nang nangyari. Andaming naging kaibigan, Andaming nawala. 3 taon nakong nagttiyaga sa lahat ng kalokohan at kabaliwan ng aking mga kasama. haha! Salamat at meron akong trabaho. :)

June na. Masarap na matulog. Ayaw ko magtrabaho. Inaantok ako!

0 comments: