7.21.2009

APE Madness!

Annual Physical Exam. July 21, 2009. Badtip! I swear, sobrang badtrip ang letcheng exam na yan.

We were there around 9:45. 10:15, asa loob na kami for blood, urine and xray. 10:35 tapos na. wow! ayos to, medyo mabilis.

11:00 natest ang eyes namin. Also, napulsohan and BP na kami. Height and weight was done as well. pwede db? physical exam nalang with the doctor tapos na. yes!

12:00 na wala pa rin. Lunch break daw sila. FINE! lunch break din kami para iwas badtrip lang. by 12:50 nasa patients first na ulit kami.

1:00 nagtanong kami sa nurse station. Next na daw kami. Sige lang, hintay pa ng onti. 1:10, 1:20 wala parin. nang gigigil nako sa pagod, puyat at inis. grrr! badtip na to

1:25 pumunta si snowy sa nurse station. Sabi nila, sa front desk daw kami kasi dun ang exam namin at di sa kanila. I lost my patience. taena, kanina pa andyan ang papers namin sa inyo saka nyo sasabihin samin yan?! g*guhan db?

punta ako ng front desk, tanong ko daw sa station dun sa loob. pasok naman ako. Si ateng tibo ang andun, nagtanong ako. next na daw kami. so ok, gigil parin ako pero medyo nafacify na ng onti. Konting tiis nalang. pinapasok nako sa room to change and wait for the doctor daw.

Sinamahan ako ni T-Bird sa room. Sinabihan ako ng "Pasensya na po. Kasi po kung gusto nyo pala na matapos before lunch sana 9am or 10am andito na kayo." nandilim ang paningin ko, literally! sagot talaga ako ng medyo pasigaw na, "ano?! alam mo ba anong oras pa kami dito? quarter to 10. tanong mo sa front desk. wag nyo ipasa ang kasalanan nyo samin. the incompetence of the clinic is not to be blamed on us. (sabay irap kay ate) ang kasama naming 11 na dumating tapos na." ayun. lumabas. hintayin ko daw ang doctor.

1:40, 1:50, wala paring doctor! WALA PA! tawag ako ke snowy, abah, tapos na si bakla samantalang nauna ako pumasok. Si mel asa loob na rin daw. Nananadya ba ang mga t*rant*dong to?! Sabi ni snowy, magtatanong na daw siya, end of call.

1:55 pumasok ang doctor. Mega sorry si ate. busy daw at maraming tao. ang sagot ko, "30 hours nakong gising. 10 palang andito na kami. ang kasama naming 11 na dumating tapos na. ano yun?" sorry ulit si doc. in fairness, mabait siya

2:10 tapos na lahat. 15 minutes lang pala ang lahat, naghintay kami ng pagkatagal tagal. bangag ako. badtrip ako. nanggigigil ako!

0 comments: